Wednesday, September 16, 2009

SULAT



Dear Abog,

Kamusta ka na? Isang taon na din pala ang nakalipas nung huli tayong magkita. Ang bilis ng panahon! Grabe, di ko manlang namalayan. Para bang panaginip lang.

Ngayon na lang uli ako nakasulat sayo. Natatandaan mo ba nun? Sinusulatan kita ng kung anu-ano. Ha ha. Parang napaka-senseless pa ng mga sinasabi ko. Noong isang araw kasi nag-aayos ang lola mo ng gamit mo, tapos nakita niya yung sulat ko sayo! Nakakatawa. Hindi ko na kasi yun naaalala. Tapos sobrang nabigla ako na kung anu-ano palang walang katuturan ang pinagsasabi ko.

Hoy, sana nandito ka pa. Kung kailan naman lumipat na kami dito saka ka naman umalis. Alam mo bang miss na miss na kita? Di ba dati pag summer tapos nagbabakasyon ako sa inyo, sasabihin ng ina mo, "malalakihan mo pa ang ninang mo!" Ang daya mo nga kasi naunahan mo pa akong magka-boyfriend. Tsk.

Naaalala ko pa noon, sinasamahan mo akong magpunta kahit saan ko maisipang magpunta kahit katanghaliang tapat! Ngayon pag wala akong makasama, syempre mag-isa nalang ako. Hay, lalo tuloy kitang namiss.

Ha ha. Wala lang. Bigla ko lang naalala yung mga kaibigan mo. Di ba mahilig kayong magsayaw? Siguro kung nandito ka pa, sasayawin mo yung Nobody ng Wondergirls. Oo nga pala, di ko to nasabi sayo dati pero bigla ko lang naalala. May atraso ka nga pala sakin. Di ba dati naglalaro kayo ng kaibigan mo, tapos sabi niya "Uy, Abog, ang ganda ng ninang mo no?!" Tapos sabi mo ba naman, "Eh? Hindi ah!" Nasaktan ako nun, alam mo ba? Ha ha. Di, joke lang. :D

Alam mo ba, abalang-abala na sila ngayon. Nandito silang lahat para sayo. Nakakalungkot lang kasi, ikaw ang wala.

Sana hindi mo kami agad iniwan. Pero siguro nga ito na rin ang dapat. Sobrang masakit na wala ka na dito. Hindi ko nga alam kung paano ako titigil sa pag-iyak. Akala ko, okay na ako na wala ka na. Yun pala hindi pa rin. Para bang sa isang taon na nawala ka, lalong sumasakit.

Alam kong okay ka na dyan ngayon.



Sana kami rin maging okay na dito.


-Ninang Cy

3 comments: