Sunday, May 18, 2014

Naranasan mo na ba?

Naranasan mo na ba yung sobrang sakit ng puso mo na para bang may maliliit na karayom na tumutusok dito hanggang sa mabasag na ito ng tuluyan? 'Yung maya-maya akala mo okay na, pero ayan na naman, may mga tumutusok na naman na masakit. 'Yung parang gusto mo namang pigilin ang sakit, pero ayaw tumigil? 'Yung halos sumabog na ang utak mo sa sakit kasi napagod ka na kakaiyak?

Napakasakit.

Isa lang naman ang gusto ko. 'Yung maging ako lang at wala nang iba. Pero malabo yatang mangyari ang aking gusto.

Kaya parang mas gugustuhin ko nalang maging malaya.

No comments:

Post a Comment