Sunday, January 25, 2015

The three month rule

Sabi ng mga kaibigan ko, dapat daw palipasin ang tatlong buwan after ng break-up bago pumasok sa bagong relasyon. Ewan ko, hindi naman ako magaling sa mga ganyang bagay. Sa dinami-dami ng mga bagay na nagpapakagaling-galingan ako, sa aspetong yan ako major failure.

Sumapit lang sa utak ko yang konseptong yan ngayon-ngayon lang. Tapos napatingin ako sa orasan dito sa computer ko. Lampas isang araw na pala ang tatlong buwan simula noong iniwan mo ako. Pakiramdam ko ayos na ako. Laking iniayos ko na simula noong nawala ka.

Alam mo ba na noong lumipas ang isang buwan simula noong naghiwalay tayo ay sobrang depressed ko. Naisip ko, isang buwan na hindi ka pa din nabalik. Dati kasi pinakamatagal na siguro ang 5 araw na magkaaway tayo. Pakiramdam ko nga noon eternity na yun, yung isang buwan pa kaya? Pero hindi ka na talaga bumalik e. Oo, sinubukan mo pero hindi ako convinced. Malamang hindi nga ikaw ang prince charming ko.

Natutuwa lang ako kasi hindi na masakit katulad ng dati. Hindi na ikaw ang laging laman ng utak ko. Natutuwa nga ako kasi mas marami na akong bagong hobby ngayon. I have more time for myself. Hindi na sayo umiikot ang mundo ko.

Sinimulan ko na nga magjogging, mag-aerobics, at saka magfloor works. Determinado na talaga ako to be the best version of myself for myself. 2015 will be a great year for me and I'm claiming it! Mga nakakalunod na positivity nalang ang ginagawa ko for now.

Kagabi ay nalasing na naman ako. Kumanta sa videoke ganyan. Pero alam mo, mas hindi ko na feel ang mga kanta ngayon. Dati kasi nahihit ko ang mga notes kasi damang-dama ko ba. Ngayon sintunado na ulit ako pag nakanta ng "Thinking of You" at "The One That Got Away" ni Katy Perry. Di ko na sila ma-feel.

Pero alam mo, paglagpak ng katawan ko sa kama ko, habang mabilis na pinaiikot ng espiritu ng alkohol ang mundo ko, naalala kita. Umiyak nga ako e. Pero it's the kind of cry not because I'm hurting because I lost you (or you lost me). Pakiramdam ko I am finally free. Siguro naiyak lang ako kasi heightened ang emotions ko nang panahong yun. Pero hindi na ako bothered sa nangyari sa atin. Natanggap ko na na hanggang doon nalang tayo.

Tapos ayon. Pagkagising ko ang unang pumasok sa isip ko ay "Fuck the morning afters". Kasi sobrang sama ng pakiramdam ko. Hindi ako makabangon, nakakatawa. Tapos naalala ko din yung quote na gustong gusto ko. Yung love is the high that tops all highs. Naisip ko, ang high nga ng alkohol at yosi sobrang sakit na sa ulo pag natapos ang ligaya. Eh kung love is the high that tops all highs, sobrang lagapak pala ang sakit ng pagkawala ng pag-ibig.

Pero katulad ng kahit anong hangover, nawawala din naman e. Kaunting tulog, kaunting inom ng kape, kaunting kain, choks na ulit magwalwal.

Ang ibig ko lang sabihin, pagkatapos ng tatlong buwan (napakabilis pala), nawala na din finally ang pagka-hangover ko sayo. :)

Sunday, January 11, 2015

Magic words


Three words, eight letters, say it and I'm yours.

But this time, it is not "I love you."

Because I know we can love just anyone. We can easily say, "Hey,I love how your hair falls on your shoulders," or "I love this day" and not mean it. We can say you love everyone and everything without conviction, because that's how we are: we love everyone and everything so easily, so quickly. 

I need you. These are the words I need to hear. Because so rarely do we hear people say that. Have you ever felt like your day won't be complete without hearing a word from that someone? Have you ever felt like giving up on life if you know your other half won't be there anyways? I have. You may argue that this love is being selfish and clingy. But one thing I'm sure of; this kind of love was true and real.

I only wanted one, I only wanted that one person I thought I needed. Though things have changed now, I realized that more than anything in the world, I want to be needed.

It's weird how we can say we love someone, but is still capable of leaving them behind. So I was thinking, perhaps, if that someone needed me, I wouldn't be so alone now.


Friday, December 26, 2014

TL;DR

Hindi madali ang mag-move on. Kung pwede nga lang sana na pagkagising mo kinabukasan, limot mo na ang lahat, di ba? O kaya kung may gamot ng kalimot na pwedeng inumin, mas madali sana ang buhay. Ang masakit kasi sa lahat, 'yung pag-asa na lahat ng sakit na nararamdaman mo ay magiging okay ulit, na babalik ulit ang lahat sa normal, sa nakasanayan mo. Kaso hindi ganon, dapat harapin ang sakit. Sabi nga ni Beauty Gonzales doon sa Starting Over Again, "Yang hope na yan, nakakalason yan e." Totoo naman, sa lahat ng nakakasakit 'yang pesteng hope na yan.

Kaya tuwing naaalala kita, o hinihintay ko ang text mo, pinapagalitan ko ang sarili ko. "Ayan, umaasa ka na naman e, wala na yon. Walang kwenta yon." Tuwing magigising ako kapag alas tres ng madaling araw at sisilipin ko kung nagtext ka, binubulungan ko ang sarili ko na "Mas masarap matulog, 'wag mo nang isipin yon." So far, effective naman siya. Hindi katulad dati na daig ko pa ang umattend ng burol. Kapag nagising ako ng alas tres, di na ako makatulog ulit. Kasi hanggang umaga ko na titiisin yung sakit sa dibdib ko na hindi mo na ako naaalala sa mga oras na yun.

Ngayong araw na 'to may nabasa ako sa Facebook. 'Yun naman ang hobby ko e, magbasa-basa ng kung ano-anong kaemohan sa Facebook, Instagram, at Twitter. Sabi doon, "No one can take anyone away from you. They leave because they want to." Naisip ko, totoo nga iyon. Baka naman dati mo pang gustong iwan ako. Nagkataon lang na wala ka pang maisip na dahilan. Kasi hindi ka naman niya mapipilit kung ayaw mo. Sabi pa nga noong isang panot sa Facebook, "Marami akong nakikitang mas maganda sayo. Pero pumipikit nalang ako kasi mahal kita." Eh hindi mo na nagawang pumikit, baka nga hindi talaga ako ang para sa'yo. Gayundin, hindi ikaw ang para sa akin.

Hindi na ako masyadong nabibitter ngayon. Hindi na din ako masyadong naiiyak. Siguro natuto na din akong mag-let go at tanggapin lahat ng ito. Sa katunayan, lahat ng mga pinopost ko sa Instragram ko hindi naman para sa'yo yun e. More like para sa akin. Iyon kasi ang way ng pag-cope ko. Pang-cheer up ba sa sarili ko. Kailangan ko kasing ma-express ang feelings ko through words. Sa dami ng nasalihan kong essay writing contest versus sa walang speech contest na nasalihan ko, malinaw na siguro sa'yo na mas madali para sa akin ang magsulat kaysa sa magsalita. Kaya kung ano man ang nakikita mo doon sa IG ko, hindi na yon para sa'yo. Para yon sa nangyari sa 'ting dalawa. Isang alaala.

Minsan nagpapasalamat din ako doon sa aksidente ko noong 2003. Kasi naging mahina ang alaala ko. Ngayon, kapag pumipikit ako, hindi na mukha mo ang nakikita ko. Si Simone Rota na. Minsan nga sinusubukan kong alalahanin ang itsura mo, pero hindi ko na magawa. Parang unti-unti na siyang nabu-blur. Daig pa ang mga out of focus kong shots pag nagcocover ng event.

Minsan din nakakalimutan ko na ang mahahalagang petsa ng ating pagsasama. Maging yung masasakit na din. Kung dati kaya kong ikwento in detail lahat-lahat, ngayon hindi ko na kaya. Parang bumabalik na nga ako sa normal. Minsan inaalala ko 'yung birthday mo, mga after 30 seconds ko na bago maalala. Kinakalimutan ko na din yung mga memory techniques para maalala ko lahat ng tungkol sa'yo. Sabi nila, mali daw yung tinatakbuhan ang mga ganito. Pero ganito ako e, mas gusto kong kinakalimutan ang lahat.

Sabi din ng kaibigan ko, bumalik na daw ako sa dati. Alam mo kung bakit? Kasi tahimik na daw ulit ako, lagi nalang ako nakikinig ngayon katulad ng dati kong sarili. Hindi katulad noong dati, yung height ng depression ko sa pagkawala mo, na wala na daw akong ginawa kung hindi paulit-ulit na ikwento ang nangyari.

Noong una, natatakot ako na kalimutan ka. Kasi ang totoo, ayaw kong makalimutan mo ako. Pero ganon yata talaga. Dapat kalimutan na natin ang isa't-isa. Kagaya ng mga kaibigan kong naka-move on na sa mga dati nilang jowa. Wala na silang pakialam sa isa't-isa. Mukha naman silang masaya.

Hindi ko kasi 'yan ma-gets noon. Akala ko kasi Disney Princess ako na once ma-fall-in-love ka sa isang tao, 'yun na 'yun. Kaso 2014 na nga pala. Hindi na effective 'yung true love's kiss para sa isang magandang happy ending.

Pero katulad ng sinasabi ko sa bestfriend ko, true love changes people. Nawasak na ang lahat ng konsepto ko sa pag-ibig ng dahil sa nangyari sa ating dalawa. Pero ayos din naman, dahil namulat ako sa realidad ng buhay. Tuwing nakikita ko ang nanay at tatay ko, naiisip ko, sana makahanap din ako ng taong magmamahal sa akin ng totoo at habang buhay. Sa palagay ko, mangyayari naman yun. 24 years ko na siya hinahanap e, ngayon pa ba ako maiinip?

Mas open na ako ngayon sa idea na kapag dumating siya, mas alam ko na. Hindi na siguro magiging kasing bigat. Kahit sinasabi pa ng mga kaibigan ko na babaan ko daw standards ko, eh ang totoo naman wala akong standards. Naniniwala kasi ako noon sa love at first sight. Katulad ng una kitang na-sight, tapos dahil medyo twisted din naman pag-iisip ko, pinaglaban ko nalang ang love na yon. Kahit noong una palang naman, may kutob na ako na hindi tayo magtatagal.

Kaya ngayon, nag-set na ako ng standards. Kaya ko na din magsabi ng "No". Saka mas may respeto na ako sa sarili ko. Noon e para akong baliw na kaya kong itapon ang lahat para sa'yo. Pero hindi ganito ang pag-ibig di ba? Dapat may room for growth ang bawat isa.

Noong nawala ka, doon ko nakita na ang dami palang meron ako na winawalang bahala ko lang. Hindi ko pala kayang itapon ang lahat ng ito para sa'yo. Lalong-lalo na ang pagkatao ko.

Habang nasa jeep ako noong isang araw, naisip ko, siguro ganito nga ang first love. Reckless, dangerous, stupid. Dadating ka sa point na sa sobrang pagkabulag mo sa idea ng love, lahat ng mali ay nakikita mong tama. Kahit alam mong nasasaktan ka na, willing ka pa din magpaka-tanga para sa kanya. True love nga e, di ba?

Pero dito sa mga pagkakamaling ito tayo mas natututo. Kung hindi ito nangyari, siguro mangmang pa din ako sa mga bagay na to. Ang pain naman ay temporary, fleeting. Totoo nga pala na sa mga bagay na ito mas lalong nalakas ang mga tao.

Kaya naman, salamat, patawad at paalam.

Friday, December 12, 2014

Harder

I think people who previously loved are much harder to love for the reason that once, they had the purest, most innocent view of love. But when their first love shattered all their idealistic views on what love was, they guard their hearts and they become rebel to the thought that love does exist.

Because why would anyone say they love you when they do not intend to stay?


Sunday, November 30, 2014

How do you know if you find "the one"?

I'm a sucker for true love. I am so in love with the idea of love, it's insane. On idle moments, I have a silent conversation with God to please, please let me meet that person for me immediately.

While he is stuck in traffic, or misreading his map, or busy doing something else, I take joy in talking with people who are lucky enough to find their other half. I always ask these people, "how did you know that he/she is the one?"

They always have the same answer. "You won't really know."

All these movies I watched fooled me, then. I've always thought it's a ground-shaking, heart-stopping, eventful moment when you meet that one person. But apparently, it's not. It could happen, but it mostly doesn't.

"It's choosing the same person everyday, whatever the circumstances are," my married friends told me.

Making a choice sometimes is difficult, but it is necessary for a relationship to thrive. It is committing to the same person even if you find something better, even if times are difficult.

Someday, I hope I find that one true love who would choose me, every single day every single time.

Sunday, November 2, 2014

Recovery

There are things that were hard for me to believe in until I finally experienced them first hand. One concrete example of this is completely forgetting everything that happened last night because you were so drunk. I thought people just used this as an excuse for their unexpected behavior the night before. Apparently, this is a fact of life.

On one of the nights I decided that binge drinking was the cure to my heart's broken state, I finally hit my all time high. After a couple of shots, I completely lost myself. It was like taking photographs in super long exposures. The blind spots were longer than what was currently happening. All I could remember that night was I was drinking with strangers, singing a duet on a karaoke with a person I barely know, my friends carrying me on the way to their favorite mamihan (which is not my favorite due to the thick soup), and me puking inside the shop. I collapsed in the extra bed of my friend's apartment, with her roommates covering me with a folded blanket. I was so drunk I actually thought the blanket was only half of a size of a human, so I suffered the whole night in the cold, simply because I did not have the brains to actually unfold the blanket. They still laugh until now because of that blanket incident.

And that is definitely not my proudest moment.

One good thing though is that I know for sure that these things happen. It is not simply a myth. But using myself as my very own experimental rat is not a very good idea. The past few weeks, I was battling perhaps my lowest point in life. I could not eat, sleep, or have fun. Not even drinking the night away saved me. Even sleep, my favorite of all things, could not give me the brief death I always escape to when times get hard.

Eventually, it took a toll on my physical body. Since I threw up every time I would eat, my body overproduced acid that led my tummy to go in shambles. The doctor could not find anything, I was healthy as a cow. (Except they found some complications on my liver, this is the payback for my binge drinking). They said, I should just do something about my well-being.

Health and wellness are two different things. In my case, my physical body has everything in order. But my mental, emotional, and spiritual state is not in its best condition. I was being hard on myself even though I know that I shouldn't, even though I know that I should do better.

In those moments, I realized that I was being selfish. I was too consumed with my own pains that I failed to see I was hurting the people who truly love me and care for me. I was not only destroying myself, I was potentially destroying my relationships with people who have always been supportive of me.

So this is another myth that I recently debunked. I thought then that you can only fully love once, that after you have given your all, it is impossible to give a better love than what you already given. When I was at my lowest, I felt a downpour of love I never imagined I have. How can I not reciprocate?

I read from somewhere before that when your heart is broken, it also leaves an opening. This is what I would like to believe in. My heart was cut so more love could come in. And then I feel better. No need for binge drinking. :)

(Maybe until I get rid of that liver problem)