Sabi ng mga kaibigan ko, dapat daw palipasin ang tatlong buwan after ng break-up bago pumasok sa bagong relasyon. Ewan ko, hindi naman ako magaling sa mga ganyang bagay. Sa dinami-dami ng mga bagay na nagpapakagaling-galingan ako, sa aspetong yan ako major failure.
Sumapit lang sa utak ko yang konseptong yan ngayon-ngayon lang. Tapos napatingin ako sa orasan dito sa computer ko. Lampas isang araw na pala ang tatlong buwan simula noong iniwan mo ako. Pakiramdam ko ayos na ako. Laking iniayos ko na simula noong nawala ka.
Alam mo ba na noong lumipas ang isang buwan simula noong naghiwalay tayo ay sobrang depressed ko. Naisip ko, isang buwan na hindi ka pa din nabalik. Dati kasi pinakamatagal na siguro ang 5 araw na magkaaway tayo. Pakiramdam ko nga noon eternity na yun, yung isang buwan pa kaya? Pero hindi ka na talaga bumalik e. Oo, sinubukan mo pero hindi ako convinced. Malamang hindi nga ikaw ang prince charming ko.
Natutuwa lang ako kasi hindi na masakit katulad ng dati. Hindi na ikaw ang laging laman ng utak ko. Natutuwa nga ako kasi mas marami na akong bagong hobby ngayon. I have more time for myself. Hindi na sayo umiikot ang mundo ko.
Sinimulan ko na nga magjogging, mag-aerobics, at saka magfloor works. Determinado na talaga ako to be the best version of myself for myself. 2015 will be a great year for me and I'm claiming it! Mga nakakalunod na positivity nalang ang ginagawa ko for now.
Kagabi ay nalasing na naman ako. Kumanta sa videoke ganyan. Pero alam mo, mas hindi ko na feel ang mga kanta ngayon. Dati kasi nahihit ko ang mga notes kasi damang-dama ko ba. Ngayon sintunado na ulit ako pag nakanta ng "Thinking of You" at "The One That Got Away" ni Katy Perry. Di ko na sila ma-feel.
Pero alam mo, paglagpak ng katawan ko sa kama ko, habang mabilis na pinaiikot ng espiritu ng alkohol ang mundo ko, naalala kita. Umiyak nga ako e. Pero it's the kind of cry not because I'm hurting because I lost you (or you lost me). Pakiramdam ko I am finally free. Siguro naiyak lang ako kasi heightened ang emotions ko nang panahong yun. Pero hindi na ako bothered sa nangyari sa atin. Natanggap ko na na hanggang doon nalang tayo.
Tapos ayon. Pagkagising ko ang unang pumasok sa isip ko ay "Fuck the morning afters". Kasi sobrang sama ng pakiramdam ko. Hindi ako makabangon, nakakatawa. Tapos naalala ko din yung quote na gustong gusto ko. Yung love is the high that tops all highs. Naisip ko, ang high nga ng alkohol at yosi sobrang sakit na sa ulo pag natapos ang ligaya. Eh kung love is the high that tops all highs, sobrang lagapak pala ang sakit ng pagkawala ng pag-ibig.
Pero katulad ng kahit anong hangover, nawawala din naman e. Kaunting tulog, kaunting inom ng kape, kaunting kain, choks na ulit magwalwal.
Ang ibig ko lang sabihin, pagkatapos ng tatlong buwan (napakabilis pala), nawala na din finally ang pagka-hangover ko sayo. :)
No comments:
Post a Comment