Akala ko naman naka-fully move on na ako pagkatapos kong manood ng That Thing Called Tadhana na hindi pinapatakan ng luha. Akala ko, finally, I am strong enough to move forward and completely forget about you.
Kaso hindi pala. Para ka namang lagnat e. Akala ko pagnakainom na ako ng Biogesic, okay na. Hanggang magparamdam ka ulit at heto sinisinat na naman ako.
Bakit parang nararamdaman ko na naman yung unang araw ng sakit noong iniwan mo ako? I validated this after chainsmoking two sticks of cig after arriving at work at freaking 10AM in the morning. Wala na naman ako sa katinuan ko. Wala na naman akong maisip gawin sa buhay ko. Para na naman akong tanga.
Naisip ko kanina habang nasa jeep ko na baka kaya walang nagkakagusto sakin kasi napakarami kong dala-dalang bagahe. Para akong laging may excess baggage. Parang si Mace. Hayan na naman, narerelate ko na naman ang sarili ko sa mga karaktre sa pelikula. Masama to.
Pero alam mo, ang pinaka-favorite kong part doon sa movie ay nung nagpunta si Mace at Anthony sa Sagada. Napaaga kasi sila ng dating doon kaya hindi pa nila makikita yung view sa cliff. Tapos sabi ni Mace "Ano ba yan maghihintay na naman?" Sabi naman ni Anthony, "Pramis, it's worth the wait." Heto siguro ang nararamdaman ko, heto na naman naghihintay na naman ako. Kasi ang totoo lang, sobrang nakakapagod maghintay. Lalo na kung wala namang kasiguraduhan na may darating.
Ah, may isa pa pala akong paboritong line. Yung sabi ni Anthony nakakaoverwhelm daw yung pagmamahal ni Mace. Yung tipong ganong pagmamahal ay tiyak maibabalik sa kanya. Sana ganoon din para sa akin. Kasi kahit ako naooverwhelm ako sa pagmamahal ko sayo. Iniisip ko nga, bakit ba kita nagustuhan? Bakit ba kita minahal ng ganito? Eh para na akong tanga. Baka isumbat na sa akin ng magulang ko ang ginastos nila sa pag-aaral ko.
Eh wala e, nakakatanga nga lang talaga ang pagmamahal.
Tatapusin ko ang blog entry na ito sa gasgas na gasgas nang quote ni Fitzgerald dahil sa movie na yan: "There are different kinds of love, but never the same love twice." Oo, totoo yan. Kasi panigurado, nag-iisa lang ang pagmamahal na binigay ko sayo.
No comments:
Post a Comment